Wednesday, March 19, 2008

MCDO

Graduation practice kanina.. late ako ng mga two hours kasi kinailangan kong pumunta sa bangko para asikasuhin ang aking nawalang atm card(2 months din un nawala noh). Wala na kasing ibang time. Dahil late ako, kinailangang kong mag 30 pumps. Ok lang man mag pump actually. Kaysa naman mag push up noh. Hindi ko kaya talaga mag push up as in.

Kung about sa graduation practice ang post na to...bakit MCDO ang title?

weeeeell...nung lunch break kasi..dami nagpadeliver.. may dalawang batches ng delivery ang jollibee. May tumawag din sa mcdo. Dumating naman ung sa jollibee pero iyong sa mcdo, hindi. Naghintay sila ng matagal upang makakain kaso wala.. matagal na na panahon ang dumaan pero wala pa ring feedback galing sa branch na gagawa nung delivery. Follow up sila ng follow up pero wala talaga. Nacancel ang delivery. Alam ko may mga nainis. Marami-rami din ata ang hindi nakakain. Ang sama ng kanilang sinapit. Napilitan silang mag diet.

Sana naman hindi na iyon maulit. Sana. Sana. Sana

Labels:

Tuesday, March 11, 2008

Ouch part 2

Nagiging iyakin na nga tlaga ata ako lately. Ayoko na. Ang gulo na ng lahat. Pakiramdam ko tuloy ako ang pinakawalang kwentang kaibigan sa buong mundo. Ouch talaga. Ang sakit. Ayoko na. Suko na ako. Hindi ko na kaya ito. Nagpatong patong na ang lahat. Grabe. Akala ko hindi na ako iiyak muli. Pero wala eh. Umiyak parin ako. Buti nalang hindi iyon dahil sa parehong bagay na nakasulat sa aking naunang post. Wa. Here I am again. Fooling myself na ok lang. Kainis. Ang sama ko palang kaibigan at ang masakit, unti-unti na akong nilalayuan ng aking mga kaibigan. Sabi pa nga ng iba, nagiging kaibigan lang daw ako, kapag wala na akong kasama. Hindi ba nila alam na iyan ang way ko para makijoin sa kanila? Ang sabihing 'pwede akong sumama?hindi ko kasi mahanap si ganito ganyan'. Sinasabi ko lang iyan para magkaroon ako ng reason na sumama kasi wala na akong ibang alam na pwede gawing reason kung bakit ako sasama. Ang totoo, I wanna be with you not because wala akong kasama kundi dahil gusto ko kayong samahan.

Kung iniisip ninyo na wala akong pakialam sa inyo, nagkakamali kayo. Hindi ko lang alam kung paano ko ipakita ang aking care kasi hindi talaga ako expressing na person. Feel ko namaster ko na ang pagtago ng aking true feelings at usually ang aking ginagawa ay ang opposite ng gusto kong gawin. May mga times kasi in the past na kailangan ko iyong gawin. Maybe I got too comfortable with it na hindi ko na alam kung paano alisin sa aking system ang pagpretend.

Sorry sa mga nasaktan ko. I did not mean to hurt you. Akala ko kasi ok lang. Wala din kasi kayong sinasabi sa akin noh. Kung naisip ninyo na sana inaway ko nalang kayo ng isahan, ganoon din ang naisip ko noon. Hindi lang kayo ang nahurt. Ako din. UGH!!! my life is so screwed right now. HELP!

Labels:

Sunday, March 9, 2008

Ouch

Para sa akin, ang bawat kaibigan ay mahalaga. Sila iyong mga tao na nakakasama mo, nakakausap mo at nakakaintindi sa iyo. Masakit para sa akin ang mawalan ng kahit isa man lang sa kanila. Ganoon sila kahalaga sa akin. Kapag may isang nawala, wala na din ang dating pagsasama, ang dating pag-uusap at higit sa lahat wala na siya para intindihin ka. Kahit nag-iisa lang siyang nawala sa akin, kahit madami pa akong ibang mga kaibigan, masakit parin talaga. Ganoon ko kamahal ang mga kaibigan ko.

Ouch. Ang sakit talaga. I just lost a friend. Hindi siya namatay or anything ha. Hindi ko alam pero ang pagkaintindi ko sa mga sinabi niya ay hindi na maibabalik sa dati ang lahat. May dahilan siya kung bakit niya iyon sinabi at bilang kaibigan alam kong dapat ko iyong intindihin kaso hindi ko parin talaga maintindihan(ang gulo noh?). Ako'y nasasaktan hanggang ngayon at hindi ako makatigil sa pag-iyak. In fact, I'm crying right now. Pasensya na. Iyakin kasi talaga ako na bata. Anyway I should be happy and move on with my life pero hindi ko kaya thinking na may isang part sa aking buhay na magbabago forever.

Nasasaktan din ako kasi I felt pushed away. Parang kahapon lang, ang close niyo pero bigla na lang hindi ka na niya pinapansin ngayon. Masakit diba? Dati, hindi ko alam kung anong nagawa ko para gawin niya iyon sa akin. Nasabi niya na man ngayon kung bakit pero hindi ko parin maintindihan. Anyway, sana noh inaway niya na lang ako or sinabihan na huwag ko na siyang lapitan ever para hindi ako naaffect ng ganito. Waaaaaaaaaaaaa. :((

Oh well. Wala na akong magagawa. Kailangan ko nalang talaga sigurong tanggapin na hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Mahirap man pero I shall do it. Kaya ko ito!

Note: when I finished writing this post, I stopped crying na din. sana naman noh last na iyon at hindi ko na iiyakan ang bagay na ito ulit.

Labels:

Saturday, March 1, 2008

The War is over!

Finally! The WAR is over! We just finished our final exams. So far, all of my grades went down. I felt sad when I first knew about my grades but I cant' do anything about them anymore. I don't regret anything though. I know I did my best and that is what's important for me.

I have survived almost 4 years of torture. We won't have chem, physics, bio, econ, math english filipino and computer science for a while. 1 month more of lullness and we will officially be graduates! I am happy for all of us!

Honestly, I regret going to this school. The knowledge I have gained is not enough to compensate for the damage my stay in pisay brought to my character. Had I known studying in pisay would be that stressful then I would have opted to go to a different school. The reason that I never quit, aside from paying back everything the government spent on us, was you guys. The people I've met, friendships I've gained and people I've come to know better kept me in pisay. I thank you all for making my pisay experience memorable.

I hope we will be able to make the most out of our remaining time together. We have been with each other for four years and it's sad that we have to part ways.

Labels: