Ouch
Para sa akin, ang bawat kaibigan ay mahalaga. Sila iyong mga tao na nakakasama mo, nakakausap mo at nakakaintindi sa iyo. Masakit para sa akin ang mawalan ng kahit isa man lang sa kanila. Ganoon sila kahalaga sa akin. Kapag may isang nawala, wala na din ang dating pagsasama, ang dating pag-uusap at higit sa lahat wala na siya para intindihin ka. Kahit nag-iisa lang siyang nawala sa akin, kahit madami pa akong ibang mga kaibigan, masakit parin talaga. Ganoon ko kamahal ang mga kaibigan ko.Ouch. Ang sakit talaga. I just lost a friend. Hindi siya namatay or anything ha. Hindi ko alam pero ang pagkaintindi ko sa mga sinabi niya ay hindi na maibabalik sa dati ang lahat. May dahilan siya kung bakit niya iyon sinabi at bilang kaibigan alam kong dapat ko iyong intindihin kaso hindi ko parin talaga maintindihan(ang gulo noh?). Ako'y nasasaktan hanggang ngayon at hindi ako makatigil sa pag-iyak. In fact, I'm crying right now. Pasensya na. Iyakin kasi talaga ako na bata. Anyway I should be happy and move on with my life pero hindi ko kaya thinking na may isang part sa aking buhay na magbabago forever.
Nasasaktan din ako kasi I felt pushed away. Parang kahapon lang, ang close niyo pero bigla na lang hindi ka na niya pinapansin ngayon. Masakit diba? Dati, hindi ko alam kung anong nagawa ko para gawin niya iyon sa akin. Nasabi niya na man ngayon kung bakit pero hindi ko parin maintindihan. Anyway, sana noh inaway niya na lang ako or sinabihan na huwag ko na siyang lapitan ever para hindi ako naaffect ng ganito. Waaaaaaaaaaaaa. :((
Oh well. Wala na akong magagawa. Kailangan ko nalang talaga sigurong tanggapin na hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Mahirap man pero I shall do it. Kaya ko ito!
Note: when I finished writing this post, I stopped crying na din. sana naman noh last na iyon at hindi ko na iiyakan ang bagay na ito ulit.
Labels: Friend


3 Comments:
masakit talaga yun karla ung biglang nagbago ang lahat between friends. mahirap ibalik sa dati ang lahat karla pero kung both kayo itatry niyo ang best ninyo, kayang kaya yan. matagal, mahirap, masakit at maraming luha pero in the end karla, magiging thankful ka kasi magiging stronger person ka :) kaya dont lose hope. malay mu karla pag magbati na kayo, things will even be better. mag pray ka lang always.
tnx lei :)
hei karla.. nafeel ko rin yan mejo bago lng.. tas kung kayong dalawa rin magwork to fix things, maayos talaga ang lahat. just wait lang for the right moment siguro. stay strong and pray nga naman. God bless you :)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home