Tuesday, March 11, 2008

Ouch part 2

Nagiging iyakin na nga tlaga ata ako lately. Ayoko na. Ang gulo na ng lahat. Pakiramdam ko tuloy ako ang pinakawalang kwentang kaibigan sa buong mundo. Ouch talaga. Ang sakit. Ayoko na. Suko na ako. Hindi ko na kaya ito. Nagpatong patong na ang lahat. Grabe. Akala ko hindi na ako iiyak muli. Pero wala eh. Umiyak parin ako. Buti nalang hindi iyon dahil sa parehong bagay na nakasulat sa aking naunang post. Wa. Here I am again. Fooling myself na ok lang. Kainis. Ang sama ko palang kaibigan at ang masakit, unti-unti na akong nilalayuan ng aking mga kaibigan. Sabi pa nga ng iba, nagiging kaibigan lang daw ako, kapag wala na akong kasama. Hindi ba nila alam na iyan ang way ko para makijoin sa kanila? Ang sabihing 'pwede akong sumama?hindi ko kasi mahanap si ganito ganyan'. Sinasabi ko lang iyan para magkaroon ako ng reason na sumama kasi wala na akong ibang alam na pwede gawing reason kung bakit ako sasama. Ang totoo, I wanna be with you not because wala akong kasama kundi dahil gusto ko kayong samahan.

Kung iniisip ninyo na wala akong pakialam sa inyo, nagkakamali kayo. Hindi ko lang alam kung paano ko ipakita ang aking care kasi hindi talaga ako expressing na person. Feel ko namaster ko na ang pagtago ng aking true feelings at usually ang aking ginagawa ay ang opposite ng gusto kong gawin. May mga times kasi in the past na kailangan ko iyong gawin. Maybe I got too comfortable with it na hindi ko na alam kung paano alisin sa aking system ang pagpretend.

Sorry sa mga nasaktan ko. I did not mean to hurt you. Akala ko kasi ok lang. Wala din kasi kayong sinasabi sa akin noh. Kung naisip ninyo na sana inaway ko nalang kayo ng isahan, ganoon din ang naisip ko noon. Hindi lang kayo ang nahurt. Ako din. UGH!!! my life is so screwed right now. HELP!

Labels:

1 Comments:

At March 11, 2008 5:15 PM , Blogger mox said...

wag ka alala. nandito naman ako fren ^^

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home